Frequently Asked Questions about Braces
Question : Pwede po bang upper lang ang braces?
Answer : Hindi. Upper at lower lagi ang braces. Magkatapat ang upper at lower na mga ngipin mo. Kapag inayos mo ang taas, aayusin mo din ang babang ngipin. Kahit sa tingin mo maayos sa baba, tiyak na magulo yan dahil magulo nga yung taas.
Question : Pwede po bang lower lang ang braces?
Answer : Hindi. Lower at upper lagi ang braces. Magkatapat ang lower at upper na mga ngipin mo. Kapag inayos mo ang baba, aayusin mo din ang taas na ngipin. Kahit sa tingin mo maayos sa taas, tiyak na magulo yan dahil magulo nga yung baba.
Q : Gusto kong magtipid. Pwede po bang retainer ang isuot ko para maayos ang ngipin ko?
A: Walang inaayos ang retainer. Ang retainer ay sinusuot lamang pagkatapos ng orthodontic treatment. Pwedeng isuot, pagkatapos ng ortho treatment.
Q : May pasta ako, pwede ba ako magpabraces?
A : Oo pwede.
Q : May bungi ako, pwede ba ako magpabrace?
A : Oo pwede.
Q : May sira ang ngipin ko, pwede pwede ba ako magpabrace?
A : Oo pwede. Papastahan muna lahat ng may sira bago ibrace.
Q : May sumasakit na ngipin ko, pwede ba ako magpabrace?
A : Oo pwede. I-a-RCT muna or bubunutin ang sumasakit na ngipin bago ibraces.
Q : Kanino po ako pwede magpabraces?
A : Sa dentist na may post graduate study/training sa ORTHODONTICS. Ang dentist pagkagraduate at nagkaroon ng lisensya, pwede syang maglagay ng brace. Pero hindi nangangahulugang marunong sya sa brace. Kailangan ng formal training para makapagayos ng ngipin sa pamamagitan ng braces. Ang training sa orthodontics ay pwedeng sa pamamagitan ng MASTERAL sa Dental School. Ang Masteral ay 3 years na pagaaral sa isang dental school tungkol sa orthodontics. Pwede ding sa PRECEPTORSHIP. Ang Preceptorship ay 6 months and above na training sa isang institution. Hindi natutunan nang buo ang Orthodontics sa seminars at youtube. Kahit ilang seminars yan. Kahit ilang youtube videos yan.
Q : Ano ang kailangan bago makapagbraces?
A : Mabuting magpatingin ka muna sa orthdontist mo. Sa consultation, titignan ang ngipin mo, condition ng gilagid mo, mukha mo, profile mo etc. Kung madetermine na pwede kang magundergo sa orthdontic treatment (Braces). Irerefer ka nya for X-Rays, Study Casts, Photos.
Q : Sabi ng dentist ko hindi ko na kailangan ng Panoramic x-ray. Kailangan ko ba nun?
A : Oo, kailangan mo lagi ng x rays. Kung sinabi yan ng dentist mo na hindi mo kailangan ng panoramic x ray, magpalit ka ng dentist. Unless, gusto mo magpabraces sa MANGHUHULA. Kahit gaano kagaling ang manghuhula, hindi niya makikita ang nasa ilalim ng gilagid, ngipin at buto mo.
Q : Ano po bang silbi ng X rays?
A : Pinakamahalagang diagnostic aid ang x ray. Ginagamit ang ceph at panoramic analysis sa kung ano ang treatment plan sa isang kaso.
Q : Sabi ng kaibigan ko, nilitratuhan ang ngipin niya, mukha niya at profile niya. Sa dentist ko, hindi ako kinuhanan ng photos. Kailangan po ba ng photos ng ngipin at mukha?
A : Kailangan. Kinukuhanan ng photos ang ngipin, sa occlusal, sa front, sa side. Kinukuhanan din ng picture ang mukha. Ganun din ang side view, profile ng pasyente. Kung hindi ka kinuhanan ng photos ng dentist mo, malamang na hindi siya nakapagaral ng tungkol sa brace. Isa siya sa mga dentist na nagoortho-ortho-han lang.
Q : Hi doc. Yung dentist ko po kasi 2months nkong d pinapalitan ng wire. palit rubber lang pag adjustment. okay lang po ba yun?
A : Hindi buwan buwang pinapalitan ang wire. Hindi kada adjust papalitan ang wire. Kung sigurado kang orthodontist ang dentist mo, wala ka dapat alalahanin.
Q : Ano po ba ang Rubber change?
A : Kapag nadinig mo ang rubber change, isa yan sa senyales na magpalit ka ng dentist. Mapariwara ang buhay mo niyan sa kapalpakan.
Q : Mura po ang DIY Braces. Pwede po kayang ako na lang magbraces sa sarili ko.
A : Kung sa mga dentista na nga nagaral ng mahabang panahon, may pumapalpak pa din. Yun pa kayang ikaw? Malalagas ang ngipin mo sa DIY braces, garantisado yan.
Q : Bakit masama sa DIY braces?
A : Ang braces ay hindi simpleng dikitan lang. Pagkapasa ng dentist, hindi pa niya alam ang magayos ng ngipin sa pamamagitan ng braces. May karagdagang pagaaral na tinatawag na specialization. Ang masteral ay nagtatagal ng 3 years sa isang dental school. Pwede ding preceptorship na pwedeng magtagal ng 1 year. Matapos ang specialization saka lang siya makakapanggamot sa pamamagitan ng braces. Kung ang simpleng tao ang naglagay ng braces, sa tingin mo alam niya ang pinagaralan ng isang dentist sa loob ng 7-9 years? Kahit magbasa siya nang magbasa o manood ng videos ng braces, hindi niya matututunan yun. Sa maling position pa lang ng brackets, malaking damage na ang pwedeng magawa. Dagdag mo pa ang wire na ginamit, maling force lang ang maapply sa ngipin, pwede na yung maging dahilan ng pagkamatay ng ngipin.
Q : Ano ang pwedeng idulot ng DIY braces?
A : Pagkalagas ng ngipin ang final result. Sa simula, pamamaga ng gilagid, paglihis ng ngipin, maling position ng ngipin, labis na paguga ng ngipin, pagkakaroon ng caries, pagkabali ng ngipin, infection ng ngipin. at iba pa.
Republished with permission from Ask the Dentist. This post was originally published here.